Magsasaka arestado dahil sa shabu sa Alamada

Bumagsak sa kamay ng batas ang isang magsasaka matapos maaresto sa buy bust operation sa bayan ng Alamada North Cotabato.
Sa impormasyong ipinarating ni North Cotabato PNP Spokesperson Supt Bernard Tayong kinilala ang naaresto na si GANIE UBAN POLAYAGAN, 30 years old, married, farmer at residente ng Barangay Polayagan Alamada.
Pasado alas tres kahapon ng ikasa ang operasyon sa Purok 3, Barangay Camansi. Sinasabing nakumpiska sa suspek ang isang pirasong suspected shabu at isang motorsiklo.
Kasalukuyang himas rehas na sa selda ng Alamada MPS ang suspek at nahaharap na sa kasong paglabas sa RA 9165.

Facebook Comments