NAGBAYAD? | Utang ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa BIR, dinipensahan ng kanyang kampo

Manila, Philippines – Nilinaw ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang umano’y utang na buwis nito sa Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa mga kinita bilang abogado ng Philippine International Air Terminals Co. Inc. (PIATCO).

Giit ni Atty. Jojo Lacanilao, abogado ni Sereno, nagbayad si Sereno ng kabuuang P8.67 milyon para sa mga kinita niya sa loob ng nasabing panahon.

Wala rin aniyang natanggap si Sereno na kahit anong notice o liham mula sa BIR para tawagin ang kaniyang atensyon tungkol sa mga inihain niyang income tax returns para sa nabanggit na panahon.


Sa pagdinig ng House Justice Committee, sinabi ng BIR na posibleng mapatawan ng anim na counts ng tax violation si Sereno matapos nilang maimbestigahan na may nasa P2 milyong halaga tax discrepancies sa kinita nito mula 2005 hanggang 2009.

Facebook Comments