Magsasaka, Arestado Matapos Magnakaw ng Short Pants sa Santiago City!

Santiago City- Arestado ang isang magsasaka matapos itong magnakaw ng mamahaling short pants sa isang establishimento sa Brgy. Centro East, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Johny Orlanda, 24 anyos, may-asawa at resdente ng brgy. Babaran, Echague Isabela.

Batay sa report ay nagtungo umano ang suspek sa naturang establishimento at nagpanggap na customer habang ng makuha nito ang isang short pants ay nagtungo sa fitting room kung saan ay isinuot ito at muling ibinalik ang kanyang dating pantalon.


Nakita umano ito ng isang empleyado sa naturang establishimento at agad na ipinagbigay alam sa security guard na dalidali namang tumawag sa tanggapan ng kapulisan.

Dagdag pa rito ay agad namang pinakiusapan ang suspek na muling magtungo sa fitting room at ipinatanggal ang kanyang pantaloon at doon nakita ang ninakaw na short pants.

Agad naman itong dinala sa himpilan ng kapulisan para sa kaukulang dokumentasyon at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Facebook Comments