Isang Lalaki na Wanted sa Batas, Naaresto na!

Jones, Isabela – Nasa kamay na ng kapulisan ang isang lalaking wanted sa batas matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas onse kaninang umaga sa Brgy. Diarao, Jones, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Norberto Sebastian Dannug, trentay syete anyos, may asawa at residente ng naturang lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng mga kasapi ng PNP Jones sa pangunguna ni Police Chief Inspector Rex Pascua ang suspek sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Alexander V. De Guzman ng MTCC Branch 11 Santiago City, Isabela dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Damage to Property.


Pansamantalang makakalaya si Dannug kung makakapaglagak ito ng piyansang tatlumpu’t apat na libong piso (P34,000.00).

Facebook Comments