*San Pablo, Isabela*- Arestado ang isang magsasaka matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamiento de aresto sa Brgy. Dalena, San Pablo, Isabela pasado 7:00 kaninang umaga.
Kinilala ang akusado na si Ferdinand Crisologo, 35 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.
Batay sa imbestigasyon ng San Pablo PNP nagpalabas ng kautusan si hukom Felipe Jesus Torio ng RTC Br. 22 Cabagan Isabela na nagresulta naman sa pagkakahuli ng akusado.
Nahaharap si Crisologo sa kasong paglabag sa Sec. 68 ng Presidential Decree 705.
Inirekomenda naman ng hukuman ang pansamantalang kalayaan ng akusado kung makakapaglagak ito ng piyansa na nagkakahalagang P40,000.00
Sa ngayon ay nasa kustodiya ng kapulisan ang akusado para sa kanyang disposisyon bago ipasakamay sa court of origin.