Magsasaka, Arestado sa kasong VAWC

48

*Cauayan City, Isabela- *Isinilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest ng isang magsasaka sa kasong kinakaharap nito sa Brgy. Santa Barbara, Llanera, Nueva Ecija kahapon.

Kinilala ang akusado na si Cristian Ray Salvador, 38 anyos, may asawa na residente sa nasabing lugar.


Sa nakuhang impornasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Mallig, dinakip ng mga operatiba ang isang magsasaka sa bisa ng mandamiento de aresto nito na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Ariel Palce ng RTC Br. 23 Roxas, Isabela na may petsang September 16, 2019 para sa kasong RA 9262 o Violence Against Women and Children sa ilalim ng criminal case no. 23-3802 at inirekomenda ang pansamantalang kalayaan nito na nagkakahalagang (P72,000.00).

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang magsasaka bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments