Sekyu na Nagtangkang Pumatay, Arestado

79

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang sekyu matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamiento de aresto nito bandang 11:45 kanina sa Brgy. Rang-Ay, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Michael Dauz, 36 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Cabatuan,, inaresto ang sekyu sa bisa ng warrant of arrest nito na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Mary Jane Socan-Soriano, Presiding Judge ng MTCC 2nd Judicial Region Cauayan City sa kasong Attempted Homicide sa ilalim ng criminal case no. 19-179.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapagpiyansa na nagkakahalagang (P36,000.00).

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang sekyu bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments