Magsasaka, Arestado sa Pag-iingat ng Baril at Granada

24

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga otoridad ang isang magsasaka matapos masamsaman ng bala, baril at pampasabog sa isinilbing search warrant ng mga otoridad sa Sitio Dalayya, Brgy. San Vicente, Tumauini, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ni PMaj Rolando Gatan, hepe ng PNP Tumauini, pasado alas 5:00 ngayong umaga nang isilbi ang search warrant sa bahay ng suspek na kinilalang si Ricardo Umacam, 42 anyos, walang asawa, at residente sa naturang barangay.


Narekober sa kanyang pag-iingat ang isang (1) homemade ng Caliber 45 pistol, isang (1) hand grenade, apat (4) na piraso ng bala ng Caliber 45, apat (4) na bala ng Cal. 9mm at isang (1) piraso ng bala ng 12 gauge shotgun.

Nasa Kustodiya na ng PNP Tumauini ang suspek at siya’y mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at paglabag sa RA 9516 o Illegal possession of explosives.

Facebook Comments