Opisyal ng Barangay na Wanted sa Batas, Arestado

16

Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga otoridad ang isang opisyal ng barangay na itinuturing na Top 9 Most wanted person sa bayan ng Echague, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Marcelino Yagin, 54 anyos, may asawa, brgy official ng Maligaya sa naturang bayan.


Sa ibinahaging impormasyon ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), pinangunahan ni PLt Windel Oliver, intel PCO ng PNP Echague ang pag-aresto kay Yagin sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Michelle Videz ng MTC Echague, Isabela.

Ito ay dahil sa kanyang kasong Qualified Trespass.

Dinala ang akusado sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon subalit pansamantalang nakalaya matapos makapagpiyansa ng halagang Php12,000.00.

Facebook Comments