MAGSASAKA, ARESTADO SA PAGBEBENTA NG ILIGAL NA DROGA SA LUNGSOD NG SANTIAGO

CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos masakote ng mga otoridad sa pagbebenta ng iligal na droga sa Purok Nieto Brgy. Batal, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Tommy”, 31-anyos, at residente ng Purok 3 Brgy. Nabbuan, Santiago City.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang ibinebenta nitong ipinagbabawal na gamot, buy-bust money, at cellphone kung saan masusi itong inembentaryo at minarkahan ng mga otoridad.


Dinala ang suspek sa himpilan ng Santiago City Police Office Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments