Magsasaka, Arestado sa Pagpapaputok ng Baril!

*Cauayan City, Isabela- *Huli ang isang magsasaka matapos itong magpaputok ng baril sa Brgy. Simimbaan, Roxas, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Emmanuel Carig, 51 anyos, may-asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nakatanggap ng impormasyon ang himpilan ng PNP Roxas kaugnay sa maraming beses na pagpapaputok ng baril ni Carig sa kanilang lugar.


Agad naman itong nirespondehan ng pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ni Carig kung saan narekober mula sa kanyang pag-iingat ang isang Baretta corp. Cal 9mm pistol, isang (1) magazine na may anim (6) na pirasong bala at sampung (10) basyo ng bala ng 9mm.

Dinala na sa Roxas Police Station ang suspek maging ang mga narekober na bala at baril para sa karagdagang imbestigasyon at kaukulang disposisyon.

Facebook Comments