MAGSASAKA, BINARIL NG DATING PULIS, PATAY

CAUAYAN CITY- Patuloy na tinutugis ngayon ng kapulisan ang isang dating Police Major na suspek sa nangyaring shooting incident sa Brgy. Nabbuan, Santiago City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Sonny Julian Sr. at ang sugatan na si Melchor Volante habang maswerteng nakatakbo ang isa pang biktima na pawang mga residente ng nabanggit na lugar

Habang ang suspek naman ay si Danilo Buan, at residente ng nasabing lugar.


Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, abala ang tatlong biktima na tanggalin ang bubong na nakaharang sa irrigation canal nang biglang dumating ang suspek at sinabing “ibalik niyo yan” at biglang binaril ng dalawang beses si Volante.

Agad na tumakbo ang isang biktima at habang papalayo sa krimen ay narinig nya ang ilang putok ng baril.

Watch more balita here: 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗧𝗨𝗔𝗡, 𝟲 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡

Matapos nito ay nakita niya ang suspek na agad na umalis pauwi sa bahay nito.

Pagdating ng mga otoridad sa lugar ay nadatnan ang nakahandusay at wala ng buhay na katawan ni Ginoong Julian katabi nito ang isang baril.

Sa ngayon, ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang kinaroroonan ng suspek at mapanagot ito sa batas.

Facebook Comments