PAGSUKO NG SUSPEK SA PAMAMARIL, HILING NG PAMILYA NG MGA BIKTIMA

CAUAYAN CITY- Humihingi ngayon ng hustisya at tulong ang pamilya ng biktima ng pamamaril sa lungsod ng Santiago.

Sa naging panayam ng IFM News Team sa asawa ng biktima na si Ginang Imelda Julian, hindi niya sukat akalain na mangyayari ito sa kanyang asawa gayong wala naman itong nakakaaway o nakaalitan sa kanilang lugar.

Aniya, nang araw na iyon ay nagtungo lang ang kanyang asawa sa bukid upang magpatubig ng kanilang ani at laking gulat nito nang mabalitaan ang mapait na sinapit ng kanyang asawa.


Sa higit sampung taon na pagsisilbi nito sa barangay ay napatunayan kung gaano ito kabait at napakamatulungin sa kanyang mga ka-barangay.

Watch more balita here: 𝗣𝟭𝟬,𝟬𝟬𝟬 𝗔𝗡𝗡𝗨𝗔𝗟 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗟𝗢𝗪𝗔𝗡𝗖𝗘, 𝗔𝗣𝗥𝗨𝗕𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔

Samantala, buo na pasya ng pamilya ng biktima na itutuloy ang pagsasampa ng kaso sa suspek at hindi papayag na mauwi sa areglo ang kaso.

Facebook Comments