MAGSASAKA, DINAKIP SA KASONG MURDER

CAUAYAN CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos madakip dahil sa kasong murder sa Brgy. Poblacion Sur, Maddela, Quirino.

Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng Maddela Police Station katuwang ang Regional Intelligence Unit 2 (RIU 2), Quirino Provincial Intelligence Unit (QPIU), at 2nd Quirino Provincial Mobile Force Company.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ton-ton”, 50-anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. San Dionisio 1 ng nabanggit na bayan.


Matapos maaresto, dinala sa Maddela Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments