MAGSASAKA, HULI SA ILIGAL NA PAG-IINGAT NG BARIL

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga otoridad ang isang magsasaka matapos makumpiskahan ng ‘di lisensyadong baril sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 2, kinilala ang suspek na si Raytom Ligmayo, 28 anyos, residente ng Purok Rang-ay Darapidap, Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa imbestigasyon ng PNP, dakong alas 11:58 ng gabi noong ika-22 ng Setyembre taong kasalukuyan nang respondehan ng mga pulis ang kaguluhan na kinasasangkutan ni Ligmayo sa Kumyuongan Compound, Brgy. Akmagier North, Bambang Nueva Vizcaya kung saan nakumpiskahan ito ng isang kalibre 45 na kargado ng apat na bala.

Walang naipakitang papeles si Ligmayo kaya kaagad itong dinakip ng mga rumespondeng pulis.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments