World champion gymnast na si Carlos Yulo, namayagpag sa 55th All-Japan Senior Championships

Namayagpag ang world champion gymnast na si Carlos Yulo sa kakatapos na 55th All-Japan Seniors Championship.

Ito ay matapos masungkit ni Yulo ang gintong medalya para sa men’s floor exercise.

Ayon sa Japanese coach nitong si Munehiro Kugimiya, nakuha rin nito ang silver medal sa team event at isang bronze para sa vault event.


Hindi naman nakalahok ang 22-year old gymnast sa iba pang apparatus bunsod ng kaniyang injury sa daliri.

Pinaghahandaan naman ngayon ni Yulo ang 2022 World Artisitic Gymnastics Championship sa Liverpool, United Kingdom na gaganapin sa darating na October 29 hanggang November 6.

Facebook Comments