Magsasaka, Huli sa Kasong Pagnanakaw!

47

*Ramon, Isabela- *Natimbog ang isang magsasaka na wanted sa batas matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy San Miguel, Ramon, Isabela.

Ang akusado ay kinilala na si Mellet Chalinat, 20 anyos, walang asawa, at residente ng nabanggit na lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, hinuli si Chalinat sa bisa ng mandamiento de aresto na inihain ni judge Anastacio Anghad ng RTC Branch 36 Santiago City, Isabela dahil sa kinakaharap na kasong Robbery.

May inilaang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Chalinat na nagkakahalaga ng P72,000.00.

Nasa pag-iingat na ng PNP Ramon ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin nito.

Facebook Comments

From Advertisers