Bangayan ng mga kapatid nakaapekto sa kandidatura ni Senator Binay

205

Manila, Philippines – Sa tingin ni Senator Nancy Binay, isa ang away ng kanyang mga kapatid sa dahilan kung bakit mababa siya sa ranking ng resulta ng katatapos na eleksyon.

Base sa bilangan ng boto, si Binay ay nasa ikalabindalawang pwesto.


Ayon kay Binay, sa kanyang pag-iikot sa panahon ng kampanya ay palaging na-uungkat ng mga botante ang bangayan ng kanyang mga kapatid at minsan ay siya pa ang inaakalang nakikipag-away sa mga ito.

Sa katatapos na eleksyon ay nagsalpukan ang kanyang mga kapatid na sina Abby at Junjun sa pagkamayor ng Makati, kaya siya at amang si dating Vice President Jejomar Binay ay naghati ng suporta sa mga ito.

Bukod dito ay binanggit din ni Binay ang kawalan niya ng makinarya sa panahon ng kampanya dahil hindi siya kabilang sa mga partido ng administrasyon na PDP-Laban at Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Facebook Comments