Magsasaka, Huli sa kasong Panggagahasa sa Nueva Vizcaya

69

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga awtoridad ang Top 1 Most Wanted Person sa Kasibu, Nueva Vizcaya kahapon, July 2, 2021.

Kinilala ang suspek na si Junie Buahon, 30-anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Tukod, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Naaresto ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng Dupax del Sur PNP at Kasibu PNP katuwang ang Nueva Vizcaya Provincial Intelligence Unit (NVPIU) matapos isilbi ang warrant of arrest laban sa suspek na inisyu ni Hon. Judge Paul R. Attolba ng Regional Trial Court Branch 30 Bayombong, Nueva Vizcaya noong June 15, 2021 para sa kasong 2 counts rape at 2 counts rape by sexual assault.


Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang biktima mula sa simbahan ng sundan umano ito ng suspek kasama ang isa nitong kaibigan at bigla na lamang itong pilit isinasama sa bahay ng kaibigan ng suspek at naganap ang panghahalay.

Dahil sa insidente, tinakot ang biktima na huwag magsusumbong sa pulisya subalit makalipas ang sampung (10) araw ay nagdesisyon ang biktima na magpasailalim sa medical examination at lumabas na positibo itong ginahasa.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Kasibu Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at disposisyon.



Facebook Comments