Magsasaka, Huli sa Tangkang Pagpuslit ng mga Pinutol na Kahoy

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang magsasaka dahil sa iligal umanong pagbiyahe ng mga sawn lumber ng maharang ito sa isang checkpoint sa Cabarroguis, Quirino kahapon, Agosto 13.

Kinilala ang suspek na si Martin Marzan, 25-anyos at residente ng Purok 3, Barangay Dibibi, Cabarroguis, Quirino.

Batay sa imbestigasyon ng Cabarroguis Police Station, pasado ala-1:30 ng madaling araw noong August 13, 2021 ng magsagawa ng anti-illegal logging operation ang pulisya na saktong ibinibiyahe ng suspek ang mga hindi dokumentadong kahoy sakay ng puting elf truck na may plakang RDY 372 na nakarehistro sa pangalan ng isang Benita Tayaban.


Tinatayang nasa 585.47 board feet (1.38 cubic meters) ang pinutol na kahoy at may market value na mahigit sa P26,000.

Bigo ang suspek na magpresenta ng anumang dokumentong nagpapatunay ng legalidad ng mga dala-dala nitong kahoy kung kaya’t inaresto ito ng mga awtoridad.

Nahaharap ang suspek sa kasong PD 705 habang nasa kustodiya ito ng mga awtoridad.

Facebook Comments