Magsasaka na may 2 counts ng kasong Frustrated Homicide, Arestado

40

*Cauayan City, Isabela*- Inaresto ng mga awtoridad ang isang magsasaka matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy. Panninan, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Wilson Tamang, 31 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP San Mariano, dinakip si Tamang matapos ipalabas ni kagalang galang hukom Andrew Barcena ng RTC Br.17 Ilagan City para sa dalawang counts ng Frustrated Homicide sa ilalim ng criminal case no.8440-8441.

Inirekomenda naman ng korte ang pansmaantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng (72,000.00) bawat kaso o kabuuang (P 144,000.00).

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng kapulisan ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers