Negosyante na may 16 counts ng kasong Qualified Theft, Arestado

89

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang negosyante matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito bandang 3:20 ngayong hapon sa Brgy. District 2, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Frelyn Pabon, 39 anyos, biyuda at residente ng P4 Brgy. Del Pilar, Alicia, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Cauayan, dinakip ang ginang matapos ipalabas ni kagalng galang hukom Raul Babaran ng RTC Br. 19 Cauayan City para sa 16 counts ng Qualified Theft.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan ng akusado kung makakapaglagak ng kabuuang (P480,000.00) bilang piyansa nito.

Sa ngayon ay nasa pagangalaga na ng kapulisana ng ginang para sumailalim sa booking process.

Facebook Comments

From Advertisers