Magsasaka na may Dalawang Kaso, Arestado!

73

*Echague, Isabela- *Kalaboso ang isang magsasaka na wanted sa batas matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy. Caniguing, Echague, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Danilo Geron, 24 anyos, binata at residente ng nasabing lugar.


Ganap na alas sais kagabi, May 24, 2019 nang dakpin si Geron sa bisa ng mandamiento de aresto na inihain ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 o VAWC law at paglabag sa RA 7610 o Child Abuse.

Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapag piyansa ito ng halagang P252,000.00 para sa kanyang dalawang kaso.

Dinala na sa Echague Police Stationa ng akusado para sa karagdagang dokumentasyo bago ipasakamay sa court of origin nito.

Facebook Comments