Suspek na Nanaksak ng Isang Studyante sa Cabatuan, Isabela, Mahaharap sa Dalawang Kaso!

123

*Cabatuan, Isabela- *Mahaharap ngayon sa dalawang kaso ang suspek na nanaksak kahapon sa isang studyante sa National Highway ng Brgy. Calaocan, Cabatuan, Isabela.

Ito ang kinumpirma ni Police Chief Inspector Vicente Guzman, hepe ng PNP Cabatuan kung saan naisampa na ng pamunuan nito ang kasong Murder at Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa suspek na si Sherwin Peralta Rivera, tatlumpu’t anim na taong gulang at residente ng Brgy. Sampaloc, Cabatuan, Isabela.

Batay sa pahayag ni PCI Guzman, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na ang pagdura ng biktima na si Mike Raven Sumaoang Abad, labin walong taong gulang, binata at residente ng brgy. Calaocan, Cabatuan, Isabela ang naging dahilan ng panananaksak ng suspek sa biktima.

Aniya, dinuraan umano ng biktima ang suspek ng ito’y kanyang madaanan lulan ang kanyang kulong-kulong kaya’t hinabol naman umano sila ng suspek hanggang sa makarating sa nasabing National Highway at dito na pinagsasaksak si Abad.

Kusa namang sumuko sa mga pulis ang suspek na umanoy positibo sa nakalalasing na alak at Lubos naman umano ang naging pagsisisi nito.

Kaugnay nito ay nasamsaman pa ng mga otoridad ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu ang suspek ng ito ay isailalim sa body search.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Cabatuan ang suspek na mahaharap sa kanyang dalawang kaso.

Facebook Comments