Magsasaka na may kasong Panggagahasa, Natimbog!

34

San Manuel, Isabela – Arestado ang isang magsasaka sa kasong panggagahasa matapos isilbi ng mga otoridad ang kanyang Warrant of Arrest sa Brgy. Malalinta, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Freddie Soriano Abad, kwarentay tres anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, dinakip ng mga kasapi ng PNP San Manuel si Abad matapos magpalabas ng mandamiento de aresto si hukom Bernabe B Mendoza ng RTC Branch 23, Roxas, Isabela dahil sa kaso nitong Rape.

Samantala, nasa himpilan na ng pulisya ang akusado para sa kanyang kaukulang dokumentasyon habang walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments

From Advertisers