Tagumpay ng iFM Chess Tournament, Pinasalamatan ng CVCA!

46

Cauayan City, Isabela – Malaki ang pasasalamat ni Ginoong John Robert Bumatay, Chief Arbiter at Presidente ng Cagayan Valley Chess Association (CVCA) sa naging tagumpay na kauna-unahang Chess Tournament sa lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Ginoong Bumatay, sinabi nito na marami ang nagbigay ng suporta at tumulong sa nasabing aktibidad.


Nagpapasalamat rin anya ang nasabing opisyal sa lahat ng mga sumali sa nasabing laban na layong hubugin ang kaalaman ng mga bata at kabataan sa larangan ng Chess.

Ayon pa kay Bumatay, napakaganda ng tournament at dumami ang nagsilabasan na mga Chess Player.

Samantala, iniimbitahan ni ginoong Bumatay ang mga interesadong Chess Player na lumahok sa gaganaping Tournament ng iba pang mga Arbiter.

Bisitahin na lamang anya ang facebook page ng Cagayan Valley Chess Association (CVCA) para sa karagdagang mga detalye.

Facebook Comments

From Advertisers