Magsasaka na may kasong Robbery, Kalaboso!

Luna, Isabela – Arestado ang isang magsasaka sa kasong pagnanakaw bandang alas diyes ng umaga (10:00AM) sa Purok 1, Brgy. Lalog 1, Luna, Isabela.

Nakilala ang nadakip na si Villamor Andaya, 34 anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Batay sa impormasyong nakalap ng 98.5 iFM Cauayan, ang akusado ay dinakip ng mga kasapi ng Luna Police Station sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Ma. Anastascia D. Manalang- Labog noong Ika-4 ng Hulyo, 2019 dahil sa kasong Robbery.


Habang nagrekomenda ang hukuman ng halagang Php 18,000.00 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Nakakulong na ngayon si Andaya matapos ang kaniyang dokumentasiyon sa selda ng Luna Police Station .

Facebook Comments