Magsasaka na Naghamon ng Away, Arestado!

*ROXAS, ISABELA-* Inaresto ang isang magsasaka matapos na maglabas ng baril at maghamon ng away sa Sitio ICU Brgy. Bantug, Roxas, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Rolando Simpliciano, 58 taong gulang, magsasaka at residente sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon, nakatanggap umano ng tawag ang Roxas Police Station mula sa isang concerned citizen kaugnay sa panghahamon ni Simpliciano na nasa impluwensya umano ng alak nang magparada ito ng kanyang motorsiklo sa tapat ng bahay ng biktima na kinilalang si Ronnie Maningding.


Agad namang rumesponde ang mga pulis sa nasabing insidente at narekober sa suspek ang isang Caliber 22 na may dalawang bala.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang pinaghihinalaang suspek kasama ang mga nakuhang ebidensiya para sa kaukulang dokumentasyon at siya’y nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms *and* Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments