Karpentero na Wanted sa Batas, Timbog!

*Conner, Apayao- *Kalaboso ang isang karpentero na itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Quezon, Isabela matapos na isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Manag, Conner, Apayao.

Kinilala ang akusado na si Rodolfo Panso, alyas Jun Jun, 36 anyos, may-asawa, at residente ng Brgy. Barucboc, Quezon, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 Ifm Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), hinuli si Panso sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC Br 23 Roxas, Isabela dahil sa kasong Panggagahasa.


Dinala na sa himpilan ng PNP Conner ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin nito.

Pansamantala itong makakalaya kung makakapagpiyansa ng halagang P200,000.00.

Facebook Comments