Magsasaka na Nakapatay, Huli sa Mallig, Isabela!

*Mallig, Isabela-* Matagumpay na naaresto ng mga otoridad ang lalaking Top 3 Most Wanted sa Lalawigan ng Quirino makaraang isilbi ang Warrant of Arrest nito sa brgy. San Jose Norte 1, Mallig, Isabela.

Ang naarestong akusado ay si Alberto Tabago, 47 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto si Tabago sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Moises Pardo ng RTC Branch 31 Quirino dahil sa kasong Murder.


Kaugnay nito ay walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ni Tabago.

Dinala na sa PNP Mallig ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Facebook Comments