Magsasaka na Nanlaban sa mga Otoridad, Arestado sa Cauayan City, Isabela!

*Cauayan City, Isabela-* Arestado ang isang magasasaka na wanted sa batas matapos isilbi ang mandamyento de aresto nito bandang alas diyes ng umaga sa Brgy. Alinam, Cauayan City Isabela.

Ang akusado ay kinilalang si Marvin Reyes Viernes, 34 anyos at nakatira sa nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station sa pangunguna ni P/INSP Zosimo P Sambrano sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Mary Jane Socan Soriano ng MTCC, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Direct Assault upon an agent of person in authority.


Dinala na sa PNP Cauayan City ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at pansamantala itong makakalaya kung makakapagpiyansa ng halagang labing walong libong piso (P18,000).

Facebook Comments