Magsasaka, Pinagbabaril-Patay!

Cauayan City, Isabela – Dead on the spot ang isang magsasaka matapos na pagbabarilin ng kapwa nito magsasaka at kabarangay, pasado alas otso kagabi sa Purok 2, Brgy. Rogus, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Romar Espiritu Salcedo, nasa tamang edad habang ang suspek ay si Freddie Revilla, pawang mga residente ng Brgy. Rogus, Cauayan City.

Sa imbestigasyong isinagawa ng mga tauhan ng PNP Cauayan City, habang papunta ang biktimang si Salcedo sa isang videoke bar kung saan ay nadaanan nito ang suspek na nakikipag-inuman.


Pagkakita ni Revilla sa biktima ay kumuha ng hindi pa malamang klase ng baril at pinagbabaril ng maraming beses ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.

Kaagad na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon kung saan ay tinutugis parin ng mga otoridad at inaalam din ang motibo ng pamamaril.

Facebook Comments