Magsasaka na Top 8 Most Wanted Person, Arestado!

97

Ramon, Isabela – Arestado ang isang magsasaka na itinuturing na Top 8 Most Wanted sa bayan ng Ramon matapos isilbi ang kanyang Warrant of Arrest sa Brgy. Pagrang-ayan, Ramon, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Romnick Ceneta Duguilan, bente nuebe anyos, binata, magsasaka at residente ng nasabing lugar.


Batay sa nakuhang report ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Ramon si Duguilan sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Anastacio D. Anghad ng RTC Branch 36,Santiago City dahil sa kasong Frustrated Murder.

Nasa kustodiya na ng Ramon Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa kanyang court of origin.

Makakalaya lamang si Duguilan kung makakapaglagak ng piyansang P200,000.00

Facebook Comments

From Advertisers