Tumatakbong pulitiko sa Pornhub mapapanood ang political ad

82

Kakaiba ngunit nakababahalang campaign gimmick ang ginawa ng isang tumatakbong pulitiko mula sa bansang Denmark. Dahil ang kanyang political ad, hindi lang sa telebisyon mapapanood, pati na din sa kilalang porn-streaming site na Pornhub.
Lalabas sa dulo ng mga piling video ang advertisement na may nakalagay “When you finish wanking, vote for Jokke.”
Inamin ni Joachim B. Olsen, kandidato ng grupong Member Alliance Party, na galing mismo sa kanyang ang ideyang ito para mas madali siyang maalala ng mga botante.

“You need to get out everywhere, so we thought it could be amusing with an ad on Pornhub. Half the internet is porn and you need to be where the voters are – including a porn site,” sagot ni Olsen sa programa ng Danish Broadcasting Corporation nitong Linggo.
“I know that some people will be aghast. You can’t say anything today without some people getting upset. I don’t take it very seriously. Those who know me as a politician know that I am serious, but I have a sense of humour and think this is a good laugh.”, dagdag pa niya.
Dating Olympic shot putter ni Olsen at naghahangad na makapasok sa mundo ng pulitika.
Magaganap ang Danish general election sa Hunyo 5, 2019.
Facebook Comments

From Advertisers