Magsasaka na Top 8 Most Wanted sa Cordon, Inaresto

45

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang magsasaka na Top 8 Most Wanted matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. Tanggal, Cordon, Isabela.


Kinilala ang akusado na si Reymundo Foronda alyas “Rey” at “Ambong”, 48 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cordon,dinakip ang akusado matapos ipalabas ni kagalang galang hukom Norbert Bong Obedoza ng 7th MCTC Cordon-Dinapigue Isabela para sa kasong Acts of Lasciviousness.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P40,000.00.

Nananatili naman sa kustodiya ng pulisya ang akusado para harapin ang kaso laban ditto.

Facebook Comments