Misis, gustong hiwalayan si mister dahil hindi naliligo ng 10 araw

10628
Stock photo from Pexels website

BIHAR, INDIA – Diborsyo ang hiling ng isang 20-anyos na misis sa kaniyang mister dahil hindi daw malinis sa katawan.

Sa reklamong inihain ni Soni Devi sa State Women’s Commission (SWC) ng Vaishali district, nakasaad na kayang hindi maligo ng asawang si Manish Ram ng sampung araw at bihirang-bihira magsipilyo at mag-ahit.


Naging sentro na daw ng pangungutya at pang-aapi si Devi bunsod ng ugaling ipinapakita ng kabiyak.

Ilang beses na umano niyang pinakikiusapan ang kabiyak na magbago pero nauuwi ito sa matinding pagtatalo, dahilan para manlamig na siya.

“I don’t want to live with my husband anymore. I can no longer bear the humiliation. Kindly get me rid of this man. He has ruined my life,” pahayag ng babae sa kinauukulan.

Nang magharap ang dalawa sa komite, nakiusap si Ram sa misis na huwag makipaghiwalay at nangakong babaguhin ang kinagisnang lifestyle.

Patuloy pa rin na inaayos ng SWC ang problema ng mag-asawa at binigyan ng dalawang buwang palugid ang lalaki para mag-ayos ng sarili.

Batay sa datos ng ahensiya, lima sa bawat sampung babae sa India ang naghahain ng diborsyo sanhi ng parehong rason.

Facebook Comments