International Dance Concert, Mamanduhan ng City of Ilagan!

Ilagan City, Isabela- Isa sa pinakamalaking aktibidad na pinaghahandaan ngayon ng City of Ilagan ay ang International Dance Concert na gagawin ng buong Pilipinas.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Ricky Laggui, General Services Officer ng LGU Ilagan, puspusan na ang kanilang paghahanda sa gaganaping pinakamalaking International Dance Concert o ang Zumba Concert.

Ito ay magaganap sa ika labing siyam ng Mayo na pangungunahan ng International Zumba master na si William Flores.


Target ng City of Ilagan na maka labing limang libong Zumba dancers para sa Zumba Concert upang matibag ang bilang ng Zumba dancers sa Guiness Book World Records na mayroong labing dalawang libo.

Kaya’t hinihikayat ngayon ni GSO Laggui ang bawat isa na sumali at makiisa sa kanilang inihahandang aktibidad at panoorin din ang kanilang surpresa na gagampanan ng mga bigating artista.

Facebook Comments