Magsasaka na Wanted sa batas, Huli sa San Agustin, Isabela!

32

*San Agustin, Isabela-* Arestado ang isang magsasaka na may kasong kinakaharap matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito kahapon sa Brgy. Santos, San Agustin, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Remy Bareng, 60 anyos, residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, si Bareng ay hinuli ng mga kasapi ng PNP San Agustin sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC 2nd Judicial Region Branch 24 Echague, Isabela dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Homicide, Serious Physical injuries and damage to property.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Pansamantalang makakalaya si Bareng kung makakapag-piyansa ng P30,000.00.

Facebook Comments