Online seller, isinuko sa QCPD ang isang stuff toy na naglalaman ng mga hinihinalang shabu

81

Isang stuff toy na naglalaman sangkatutak na sachet ng hinihinalang shabu ang isinuko ng isang online seller sa Quezon City Police District (QCPD).

Ayon kay QCPD Director, Police Brigadier General Ronnie Montejo, isang Anna Lissa Bumanglag ang nag-surrender sa Police Community Precinct o PCP 5 ng isang minnie mouse stuff toy na may nakasuksok sa loob nito na labintatlong sachet ng hinihinalang shabu.


Ayon kay Bumanglag, nagtaka siya kung bakit mabigat ang isa sa mga minnie mouse stuff toys na inorder niya mula Baguio City.

Dahil sa pag-aakalang shabu ang laman ng stuff toy, agad itong  isinuko ni Bumanglag  sa PCP 5 ng Kamuning Police Station 10 sa ilalim ni  Police Lieutenant Colonel Louise Benjie Tremor.

Iniutos ni Tremor sa QCPD Crime Laboratory na suriin ang mga sachet ng hinihinalang shabu.

Facebook Comments