Magsasaka, Nagpakamatay sa San Isidro, Isabela!

100

San Isidro, Isabela- Natagpuang wala ng buhay ang isang lalaki sa loob ng kanyang kwarto matapos magpatiwakal dakong alas siyete kaninang umaga sa Brgy. Gomez, San Isidro, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Romeo Bendivil, trenta anyos, walang asawa, isang magsasaka at reidente ng naturang Barangay.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay SPO2 Jun Noel Martin ng San Isidro Police Station, batay sa kanilang pagsisiyasat, wala umanong sinasabing problema sa kanyang pamilya ang naturang biktima at nagulat na lamang umano ang kapatid nito na si Jenny nang makita itong nakabitin sa kanyang kwarto gamit ang isang lubid.

Ayon pa kay SPO2 Martin, nag-iwan ng sulat ang biktima sa kanyang higaan na nagpapaalam sa kanyang mga mahal sa buhay.

Naniniwala naman umano ang pamilya ng biktima na sadyang nagpakamatay ito dahil sa kanyang iniwang sulat.

Sa ngayon ay nasa isang punerarya pa lamang ang bangkay ni Bendivil at inihahanda na ang lamay para sa biktima.

Facebook Comments