UMALIS NA | Update sa pagsugod ng Kadamay sa housing project para sa mga pulis at sundalo sa Rodriguez, Rizal

123

Rizal – Nagkusang nagdisperse o umalis na ang may 500 na miyembro ng urban poor group na kadamay sa housing project para sa mga pulis at sundalo sa Rodriguez, Rizal.

Ito ay matapos na pakiusapan ni NHA Architect Susana Nonato ang grupo na lisanin na ang lugar dahil awarded na lahat ang may 715 na housing units at walang balak ang mga ito na isuko ang kanilang housing rights .

Aniya, kahit lumabas pa ang IRR ng joint resolution # 2 ay may proseso rin na pagdaraanan bago maibigay ito sa mga maralitang tagalungsod.

Nangako na rin ang mga kamag anak ng mga mga benepisaryo na bantayan o tirhan muna ang mga hindi pa naokupahan na pabahay upang hindi masalisihan.

Pinuri din ni Nonato si Rodriguez at Chief of Police Superintendent Pablito Naganag dahil hindi pinayagan ang mga kadamay na iokupa kahit isang pabahay sa lugar.

Nangako naman ang kadamay na muling magbabalik at magpapalalas ng kanilang hanay upang mapasakamay ang hinahangad nilang pabahay.

Facebook Comments