Magsasaka, Nahaharap sa kasong Falsification of Public Document!

97

Alicia, Isabela – Arestado ang isang magsasaka na may kasong pamemeke ng mga dokumento matapos isilbi ang kanyang Warrant of Arrest sa Brgy Burgos, Alicia, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Arnold Agustin Agaoid, kwarentay tres anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto ng mga otoridad si Agaoid dahil sa kasong Falsification of Public Document sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Lornabeth Tutaan-Ucol ng MTC Alicia, Isabela.

Nasa himpilan na ng Alicia Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at makakalaya lamang kung makakapaglagak ng piyansang labindalawang libong piso.

Facebook Comments

From Advertisers