Magsasaka, Nanggahasa ng isang Kindergarten

Cauayan City, Isabela-Mahaharap sa kasong Panggagahasa ang isang magsasaka matapos umano nitong gahasain ang anim (6) na menor de edad nitong nakaraang miyerkules (March 10,2021) sa Barangay Buyasyas, Santa Fe, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si Mercules Benito, 55-anyos at residente sa naturang lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Santa Fe Police Station,inireklamo ng isa sa mga ina ng mga biktima ang ginawa umanong panghahalay sa kanyang anak at mga kaibigan nito.


Base sa pagsisiyasat ng pulisya, nagawa pang komprontahin ng isang ginang ang nasabing suspek ng subalit tinakot umano ito gamit ang hawak na baril at pinagbantaang sasaktan ang kanyang pamilya sakaling magsumbong sa mga otoridad.

Dahil dito, naglakas-loob ang ginang at isinumbong sa mga otoridad ang ginawang pagbabanta sa kanya ng suspek.

Samantala, lumabas sa imbestigasyon ng Women and Children Protection Desk na edad anim (6) hanggang sampu (10) ang nabiktima ng pangmomolestya ng suspek partikular ang isang kindergarten na nagsimula pa noong taong 2019.

Sa ngayon ay patung-patong na kaso ang kakaharapin ng suspek kabilang ang paglabag sa RA 10591, Grave Threat and Multiple Rape in Relation to RA 7610.

Paalala naman ng PNP Nueva Vizcaya sa publiko na ugaliing bantayan ang mga anak at huwag basta ipagkatiwala sa mga kapitbahay upang maiwasan ang pang-aabuso.

Facebook Comments