Siyudad ng Beijing sa China, binalot ng makapal na buhangin at alikabok bunsod ng sand storm

Binalot ng makapal na alikabok at buhangin ang buong siyudad ng Beijing sa China.

Ayon sa National Meteorological Center, inaasahang maapektuhan nito ang nasa 12 probinsya at rehiyon sa bansa.

Anila, ito ang pinakamalalang sand storm na kanilang naranasan sa nakalipas na 10 taon.


Nabatid na bitbit ng malakas na ihip ng hangin ang mga buhangin mula sa Mongolia

Facebook Comments