Magsasaka, Nasakote sa Buy Bust ng PNP San Mateo!

*San Mateo, Isabela- Arestado ang isang magsasaka sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng PNP San Mateo kahapon sa Brgy. Dagupan, San Mateo, Isabela.*

* Kinilala ang suspek na si Ariel Montemayor, tatlumpung taong gulang, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Sinamar Norte, San Mateo Isabela. Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, natimbog ang suspek matapos bentahan ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na bumibili sa halagang limang daang piso. Nasamsaman mula sap ag-iingat ng suspek ang dalawang pakete ng shabu matapos kapkapan ito ng mga pulis. Nakapiit na si Montemayor sa PNP San Mateo at nahaharap sa kasong Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.Tags: PNP San Mateo, RMN Cauayan, Isabela, Luzon, San Mateo, DWKD985Cauayan *

Facebook Comments