Magsasaka, Nasamsaman ng mga Baril at Bala sa kanyang Tahanan

478

*Cauayan City, Isabela-* Inaresto ng mga kapulisan ang isang magsasaka matapos makumpiskahan ng mga bala at baril sa kanyang bahay sa Brgy. Bangan, Sanchez Mira, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Christopher Baltazar, 39 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang nagsasagawa ng paghahalughog sa bahay ng suspek sa bisa ng search warrant ay nakita ang ilang kalibre ng baril at mga bala sa mismong kwarto ng suspek.

Kabilang sa mga narekober sa tahanan ng suspek ang kalibre 22 pistol na may anim na bala, dalawang (2) empty magazine para sa kalibre 5.56, limampu’t apat na piraso ng round live ammunition para sa M60 caliber, at tig-isang bala para sa caliber 40 at calibr 45 at 9mm na baril.

Hiningan pa ng mga kaukulang dokumento ang suspek para sa mga nabanggit na baril pero bigo itong magpakita kaya’t inaresto ito.

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek.

Facebook Comments