Motorista, Patay nang Bumangga sa Barrier sa Gamu, Isabela

139

*Cauayan City, Isabela*- Agad na binawian ng buhay ang isang motorista matapos maaksidente sa Brgy. Linglingay, Gamu, Isabela.

Nakilala ang nasawing biktima na si Robertlee Bangloy, 39 anyos, may asawa, isnag magsaska at residente ng Brgy. Raniag, Burgos, Isabela.


Bataya sa inisyal na imbestigasyon ng Gamu Police Station, lumalabas na habang binabagtas ng biktima ang pambansang lansangan na sakop ng Gamu-Roxas lulan ng kanyang Yamaha Mio ay hindi nito napansin ang isang barrier kung saan may isinasagawang construction sa nasabing daan.

Agad na bumangga sa barrier at bumagsak sa sementong bahagi ng ginagawang daan na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Nagpaalala naman ang pulisya sa publiko na mangyaring maging maingat sa pagpapatakbo ng motorsiklo.

Facebook Comments