Magsasaka, Natagpuang Patay na may Tatlong tama ng bala ng baril

310

*Cauayan City, Isabela-*Natagpuang patay ang isang magsasaka na may tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan bandang 9:30 kaninang umaga sa Brgy. Minanga Norte, San Pablo, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Zaldy Bautista, 57 anyos, magsasaka at residente sa nasabing lugar.


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Cpl. Ma. Jamaica Taguba, Imbestigador ng PNP San Pablo, may tatlong tama ng bala ng baril sa katawan ang biktima gaya sa kanyang kaliwang pisngi, ulo at sa kanyang batok na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ayon pa kay P/Cpl. Taguba, nakatanggap sila ng tawag mula kay Brgy. Kapitan Visitacion Malayao na may natagpuang bangkay sa bahagi ng maisan na sakop ng Cagayan River.

Palaisipan naman sa misis ng biktima na si Ginang Vilma ang nangyaring pagpatay sa kaniyang asawa dahil wala naman umano itong nakakaalitan.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang suspek sa pagpatay sa biktima.

Facebook Comments

From Advertisers