Magsasaka, Natagpuang Patay sa isang Bukirin

219

*Cauayan City, Isabela*- Natagpuan ang isang magsasaka sa isang sakahan na wala ng buhay sa Brgy. Cabulay, Santiago City, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Danilo Del Rosario, 52 anyos at residente ng Purok 6 sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Presinto Uno ng SCPO, posibleng inatake ng sakit na epilepsy ang biktima na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, nagpaaalam pa umano ito sa kanyang pamilya na magtutungo sa sakahan para tignan ang mga tinanim palay hanggang sa di na ito nakauwi sa kanilang tahana.

Agad namang ipinagbigay alam ng kapitan ng barangay ang insidente sa lugar na agad namang tinugunan ng pulisya.

Wala namang nakikitang foul play ang kapulisan dahil wala itong kahit anong bakas ng sugat.

Facebook Comments