5 patay sa salpukan ng tricyle at van sa lalawigan ng Quezon

Hindi na umabot pa ng bagong taon ang limang sakay ng tricycle matapos masawi nang makasalpukan ng kanilang sasakyan ang isang van sa National highway ng Barangay Sta. Rosa Quezon kaninang umaga.

Sa ulat ng ng Quezon Police Provincial Office, bumabyahe ang tricyle sakay ang mga biktima patungo sa Mulanay town proper habang ang Van naman na minamaneho ng isang Arnel Auriada Tesico ay patungo sa Catanauan Quezon nang magkasalpukan ang dalawang sasakyan.

Sa inisyal na imbestigayson ng Pulisya, nag overtake ang driver ng van sa unahan nitong sasakyan pero nawalan ng kontrol sa manibela kaya nakasalpukan ang tricycle.


Dead on arrival sa Ospital ang mga biktimang sakay ng tricycle na sina Manny Reymundo, Benny Jay Reymundo, Cristy Bercero, Crirjane Reymundo at Crisjay Reymundo.

Facebook Comments